Home METRO 3 opisyal ng barangay sa Batangas, huli sa ilegal pagbebenta ng baril

3 opisyal ng barangay sa Batangas, huli sa ilegal pagbebenta ng baril

208
0

BATANGAS, Philippines – Arestado ang tatlong opisyal ng barangay sa San Juan, Batangas dahil sa umano’y pagbebenta ng unlicensed na baril, ayon sa Philippine National Police.

Kasama sa mga huli ang isang kasalukuyang barangay kagawad at dalawang barangay tanod. Nahuli sila noong Lunes sa isang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group at ng San Juan Municipal Police Station.

Narekober mula sa kanila ang tatlong caliber .45 pistols at isa pang baril. Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay nagbebenta at nagmamay-ari ng baril nang walang kaukulang lisensya o permit, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pinaghihinalaan din silang kasangkot sa gunrunning sa lugar.

Ani PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.: “Hindi natin papayagan ang sinumang lalabag sa batas. Anyone found illegally possessing or selling firearms will face swift action under Republic Act 10591.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here