Home ENTERTAINMENT Will, nanawagan, muntik nang mabudol!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Will, nanawagan, muntik nang mabudol!March 13, 2026 20:032160 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Muntik nang mabudol si Willie Revillame.Kuwento ng host sa mismong live episode ng Wilyonaryo, nakatamggap daw siya ng text message mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.Hinihingan daw siya ng tulong para sa mga bata na biktima ng isang sakuna.Siyempre, nagtaka daw si Willie kung bakit of all people ay siya ang nilapitan ni dating PGMA.But just the same, nag-pledge si Wil ng financial help sa halagang P.5M na idedeposito niya dapat the next morning.Nagduda na lang daw ang TV host dahil sa tuwing kinokontak niya si ex-PGMA ay nasa meeting daw ito.Pinakiusapan niya ang isang kaibigan para beripikahin ito through DILG Secretary Jonvic Remulla na itinangging nanghihingi ng tulong si Arroyo.Napaniwala din daw ito.Maging si Sen. Imee Marcos ay napaniwala din daw.Napatunayan na lang ni Willie na scam pala ‘yon kaya nagbabala siya–na para makatiyak na hindi scam ‘yon ay tawagan ang mismong tao thru video call.Al or Artificial Intelligence daw ang gamit ng mga scammer.Naidulog na daw ni Willie ang kasong ito sa NBI para ma-trace ang nasa likod ng modus operandi na ito.Ani Willie sa scammer: “Ipagdarasal na lang kita… yung pinakakain mo sa pamilya mo, galing sa kawalanghiyaan!”Beware! Ronnie Carrasco III