BATANGAS, Philippines – Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagkaroon ng dalawang volcanic earthquakes at isang volcanic tremor sa loob ng 24 oras sa Taal Volcano.
Noong Biyernes, Marso 13, naitala rin ang 2,039 toneladang sulfur dioxide na inilabas ng bulkan.
Nasa Alert Level 1 ang Taal, ibig sabihin ay may low-level unrest o mababang antas ng pag-aalboroto.
Ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, lalo na sa Main Crater, Daang Kastila fissures, at pati sa pagbibyahe sa Taal Lake dahil ito ay isang Permanent Danger Zone.
Ayon sa Phivolcs, posibleng panganib ay kinabibilangan ng steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal na gas accumulations o pagbuga ng volcanic gas.
Patuloy ang pagmamanman ng Phivolcs upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at turista. RNT/MND