MANILA, Philippines – Binatikos ni Deputy Speaker Paolo Ortega si Vice President Sara Duterte sa patuloy nitong hindi pagsagot sa mga alegasyon sa kanyang impeachment case.
Ang pahayag ay ginawa ni Ortega nang hingan ng reaksyon sa isinumiteng Consolidated Answer Ad Cautelam ni Duterte, ani Ortega, sa halip na sagutin isa isa ng Pangalawang Pangulo ang mga isyu ay nagtago ito sa teknikalidad.
“The Vice President continues to stonewall the allegations against her. This is not an answer at all. Instead of addressing the charges head-on, she chose to hide behind technicalities,”pahayag ni Ortega, na isa sa endorser sa ikaapat na impeachment complaint na inihain laban kay Duterte.
Ani Ortega ang sinumiteng sagot ni Duterte sa impeachment complaint ay mas nagbukas sa maraming katanungan.
“Hindi po nasagot ang mga paratang. Iniiwasan ang pinaka-ugat ng isyu, at dinadaan sa procedural arguments na hindi naman tumutugon sa substance ng kaso,” ani Ortega.
Pinuna din ng mambabatas ang maling argumento ng mga abogado ni Duterte na ang desisyon ng Korte Suprema sa impeachment ay nag-abswelto na sa kanilang kliyente.
“They have to read both the Supreme Court decision and resolution again. The ruling did not junk the 2025 impeachment on substantive grounds, but only on procedural matters.
In fact, the Supreme Court itself said that its ruling did not absolve the Vice President. That should be clear to everyone,” paliwanag ni Ortega.
Pinaalala pa ni Ortega kay Duterte na ang impeachment ay isang constitutional mechanism para sa accountability na dapat sagutin at hindi para iwasan.
“The Filipino people deserve clear, direct answers—not legal maneuvering that avoids the truth,” pagtatapos pa ni Ortega. Gail Mendoza