LAGUNA, Philippines – Dinagsa ang Laguna Provincial Capitol Grounds ng mga taong gustong manood para masaksihan na nagbigay buhay sa tunog 80’s to 90’s sa siglang ipinamalas ng mga “Batang Laguna” sa selebrasyon ng Anilag Festival Level Up 2026 na ginanap kahapon sa Laguna Provincial Capitol Ground sa isinagawang kompetisyon.
Makikita ang ipinamalas ng mga kabataang kalahok ang makulay na selebrasyon ng musika, sayaw at kasuotan mula sa nakaraan taong 80:s at 90’s.
Pinangunahan ni Laguna Governor Sol Aragones, kasama si Provincial Administrator Atty. Nathalie Irene Velasquez, opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, at ang Laguna Tourism, Culture, Arts, and Trade Office (LTCATO), katuwang ang mga tourism officer mula sa iba’t ibang bayan at lungsod.
Itinampok sa programa ang talento ng 12 kalahok na lokalidad, bawat delegasyon ay naghatid ng kahanga-hangang pagtatanghal ng sayaw, suot ang makukulay na kasuotan, habang sumasabay sa mga tanyag na awitin ng 80’s at 90’s, na nagbigay ng masigla at malikhaing himig sa buong okasyon.






