Ito ang binigyang diin ni PDEA -10 Director Alex Tablate sa kanyang mga tauhan, at mga mamayang nasakupan ng lugar.
Ayon sa Director, tuloy ang paglalansag sa mga drug den at pag-aresto sa mga kilalang drug personalities, maging ito man ay sibilyan o may mataas na katungkulan sa pamahalaan.
Isang halimbawa aniya ang vice mayor sa Camiguin province, na alyas “Tata,” na kasama sa mahabang listahan ng high-profile cases PDEA-10 .
Nitong March 17, ang vice mayor ay sinilbihan ng search warrant kasama ng PDEA ang mga pulis sa tirahan nito sa Barangay North Poblacion, Guinsiliban.
Nakuha sa opisyal diumano ang illegal drug substance na may tinatayang halaga na P102,000, mga paraphernalia, at armas.
Sinabi pa ni Tablate nang nakaraang taon, isang konsehal sa Misamis Occidental ang inaresto; at maraming kilalang personalidad ang may mga kinakaharap na sa kaso na nagresulta sa joint operations ng PDEA-10 at police operations.
Tiniyak pa ni PDEA-10 Director Alex Tablate na patuloy ang kampanya sa paggiba ng drug dens sa region at kikilalanin at aarestuhin ang mga high-profile suspects.
“This is a reminder that regardless of who you are, or your position, we will still enforce the law,” sabi ni Director Tablate. (Dave Medina)