MANILA, Philippines – Aprubado na ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ang panukalang nagsusulong ng modern civil registry upsng mapalitan ang listahsn ng mga Pilipino na ang sistema ay makaluma pa.
Ang House Committee on Population and Family Relations ay inaprubahan ang isang substitute bill upang mabago ang civil registry system ng Pilipinas at tugunan ang lumang sistema ng pagtatala ng mga ipinapanganak at namamatay sa bansa na apektado ang milyon Pilipino.
May 29 na panukala ukol sa civil registry ang pinagsama kabilang ang House Bill No. 5213 kung saan inaamiendahsn nito ang Philippine Civil Registry Act o ang Republic Act No. 3753, a 1930, ang batas ukol sa rehistro ng mga ipinapanganak, ikinakasal at namamatay sa bansa.
Ang panukalang ito ay pangunahing inakda nina Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez,TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez, Andrew Julian Romualdez at Jude Acidre.
Rerepormahin ng panuakala sa pamamagitan ng pagbabawas sa tagal at antala sa pagkuha ng mga dokumento at patatatagin nito ang panawagsn ukol sa pagmomodernisa at digitalization ng civil registry processes, lalo ang pagkakaroon ng access ng mga nasa malalayong lugar.
Ang panukala ay bahagi ngLegislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority agenda ni President Ferdinand Marcos Jr.
Ayon naman kay Acidre, vice chairperson of the committee, ang pag-aapruba sa panukala ay isang hakbang sa pagsasaayos at pagmomodernisa sa makalumang civil registration ng Pilipinas.
“For many Filipinos, the challenge is not just access to services, but access to recognition. This is where policy must meet lived experience. We are not just updating a law—we are correcting a system that, for too long, has left some Filipinos unseen and underserved,” ayon kay Acidre. (Meliza Maluntag)