Home METRO Lalaking nag-nenok ng mga cellphone, alahas huli sa Bataan

Lalaking nag-nenok ng mga cellphone, alahas huli sa Bataan

160
0

BATAAN, Philippines – Nakorner ng mga awtoridad sa hot pursuit operation ang isang lalaki na suspek umano sa panloloob at pagnanakaw sa isang residential area sa Barangay Tuyo, Balanga City kung saan natunton ito ng mga pulis sa Barangay Cabcaben, Mariveles.

Batay sa ulat ni Bataan Police Director Col Marites Salvadora Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Lupin”, nasa wastong gulang, residente sa naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dumaan umano ang suspek sa sliding window ng bahay ng biktima kung saan tinangay nito ang tatlong (3) cellphone at isang wedding ring.

Sa tulong umano ng CCTV sa lugar at nakakita sa suspek ay positibong nakilala ito at masukol sa pinagtaguan kung saan matagumpay na narekober sa suspek ang mga ninakaw nito.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong pagnanakaw. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here