Home NATIONWIDE Matapos ipatigil taas-pasahe, PBBM nangako ng dagdag-ayuda sa mga tsuper

Matapos ipatigil taas-pasahe, PBBM nangako ng dagdag-ayuda sa mga tsuper

146
0

MANILA, Philippines –  Nangako ang pamahalaan ng dagdag na ayuda sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan matapos ipagpaliban ang ipatutupad sanang fare hike sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., layunin ng gobyerno na magbigay ng karagdagang subsidiya upang maibsan ang epekto ng oil price hikes sa sektor ng transportasyon.

“Halimbawa, ‘yung mga transport workers, kahit na hindi itataas ang fare sa ngayon, deferred lang muna ‘yung fare hike, ay dadagdagan naman natin ang tulong sa kanila para hindi naman sila malugi,” ani Marcos.

Ipinaliwanag ng Pangulo na patuloy pang inaayos ng pamahalaan ang mga hakbang dahil sa pabago-bagong presyo ng langis na mahirap matukoy ang galaw.

“The problem is, masyadong malikot ang presyo ng langis; hindi natin ma-anticipate, so we are still adjusting right now. But I think so far kahit papaano, we will be able to soften the blow, ika nga,” dagdag pa ng Pangulo.

Nauna nang inatasan ni Marcos ang Department of Transportation na suspendihin ang fare hike na aaprubahan sana ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, na magdadagdag ng ₱1 hanggang ₱40 sa pamasahe sa iba’t ibang public utility vehicles, maliban sa regular taxi at motorcycle taxi. Nakatakda sana itong ipatupad noong Marso 19, 2026.

Binigyang-diin ng Pangulo na mahalagang mapanatili ang kabuhayan ng mga tsuper sa kabila ng krisis. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here