Home METRO Bulacan nanguna sa nationwide mass spay, castration sa Rabies Awareness Month

Bulacan nanguna sa nationwide mass spay, castration sa Rabies Awareness Month

201
0
via Provincial Gov't of Bulacan

BULACAN, Philippines – Pinangunahan ng Provincial Government of Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) ang kauna-unahang nationwide mass spay at castration sa Malolos City noong Marso 19 bilang paggunita sa Rabies Awareness Month na may temang “A Rabies-Free Future Starts with Me.”

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Voltaire G. Basinang, nakabatay ang kampanya sa apat na haligi: responsable at maayos na pag-aalaga ng alagang hayop, animal welfare, kontrol at eradikasyon ng rabies, at pagkilala sa mahalagang papel ng mga beterinaryo sa kalusugan at kaligtasan ng komunidad.

Umabot sa 3,000 na spay at castration procedures ang naisagawa sa isang araw sa 22 probinsya, 40 lungsod, at 19 munisipalidad, kabilang ang mga lungsod at munisipalidad ng Bulacan gaya ng Malolos, Baliwag, San Jose Del Monte, Meycauayan, Pulilan, Santa Maria, Paombong, Bocaue, Norzagaray, at Marilao.

Binigyang-diin ni Senator Mark Villar na ang rabies ay preventable ngunit nakamamatay, kaya’t mahalaga ang spay, castration, pagbabakuna, at tamang kaalaman ng publiko. Ayon kay Dr. Lina S. Policarpio, may tinatayang 10–13 milyong stray animals sa bansa na posibleng magkalat ng rabies.

Inanunsyo naman ni Governor Daniel R. Fernando ang pagbubukas ng Provincial Veterinary Hospital na magbibigay ng libreng serbisyo para sa mga alagang hayop sa Bulacan. Hinikayat niya ang mga Bulakenyo:

“Huwag tayong maging tagamasid lamang, kailangan maging bahagi tayo ng solusyon. Magpakapon, magpabakuna at magpa-vaccine ng mga alaga. Hindi lamang sila libangan, sila ay umaasa sa atin. Ituring po natin na ang mga hayop ay parang tao. Sila ay may buhay din.”

Binigyang-diin rin ng event ang panawagan sa Kongreso at Senado na ipasa ang pending bill para sa mandatory veterinary offices sa lahat ng munisipalidad, na pinangunahan nina Senator Villar, Rep. Salvador Pleyto, at Rep. Joseph Bernos. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here