MANILA, Philippines – Magbibigay ang ride-hailing firm na inDrive ng P2.7 milyong halaga ng fuel vouchers para sa mga driver upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng gasolina dahil sa digmaan sa Middle East.
Ayon sa kumpanya, “This initiative aims to ease the financial strain of rising fuel costs, enabling drivers to continue operating without compromising their earnings or passing additional costs on to passengers.”
Bukod dito, nakikipagtulungan ang inDrive sa SeaOil para sa fuel discounts at nagpapatupad ng bagong zoning feature kung saan maaaring makakuha ng commission rate na kasing baba ng 1% per trip sa high-demand areas, mas mataas ang natitirang kita ng driver.
Ayon kay Sofia Guinto, country manager ng inDrive Philippines, “We want our partner drivers and passengers to know that we are aware of their concerns and we are committed to supporting their well-being while we all face these challenges.”
Ang hakbang na ito ay dagdag pa sa P5,000 fuel subsidy ng gobyerno para sa transport workers, kabilang ang TNVS drivers. RNT/MND