Home OPINION STRATEGIC ALIGNMENT PARA SA 2026 PINAGTIBAY NG MSGC-NCH

STRATEGIC ALIGNMENT PARA SA 2026 PINAGTIBAY NG MSGC-NCH

136
0

QUEZON CITY – Pinagtibay ng National Children’s Hospital (NCH) ang ugnayan ng kanilang Multi-Sectoral Governance Council (MSGC) at Executive Committee (ExeCom) upang masiguro ang tagumpay ng kanilang transformational roadmap ngayong 2026. Sa ilalim ng pamumuno ni dating Department of Health (DOH) Secretary at MSGC Chair Dr. Paulyn Jean Ubial, itinalaga ang bawat miyembro sa mga partikular na roadmap base sa kanilang kakayahan at linya ng serbisyo.

Sa ginanap na biannual meeting nitong March 4, 2026, ipinakilala ang mga lider mula sa labas ng ospital na magsisilbing “external champions” o mga ta­gapagtanggol ng karapatan ng mga batang pasyente. Kabilang sa Patient Care Roadmap sina Ms. Fatima Lorenzo, Mr. Eric Ten­suan (Center for Pediatric and Congenital Heart Diseases), at Ms. Girlie (Hematology Center). Sila ang tututok sa pagpapabuti ng karanasan ng mga bata ha­bang ginagamot sa loob ng ospital.

Sa Financial at Media Roadmap, katuwang ang broadcast journalist na si Dr. Hilda Ong at si Mr. Adam Sim. Ang kani­lang misyon ay masiguro na may sa­pat na pondo para sa mga makabagong kagamitang medikal at malaman ng publiko ang mga tulong na pwedeng makuha sa NCH. Tututok naman sa Research Roadmap si Dr. Juliet Bucoy upang itaas ang antas ng siyensya sa gamutan. Samantala, magbibigay ng malakas na suporta sa polisiya at komunidad sina Congressman Bong Suntay (kinatawan ni Atty. Arlene Roura), Vice Ma­yor Gian Sotto (kinatawan ni Ms. Kris­tine Pascua), at ang bagong miyembro na si Dr. Nina T. Cas­tillo-Carandang.

Ang mga miyembro ng MSGC ay direktang naka-align sa NCH ExeCom sa pangunguna ni Me­dical Center Chief Dr. Philip A. Morales, kasama sina Dr. Cecilia Dizon, Mr. Reynaldo Salazar, Ms. Joanabelle Orzales, Ms. Lenore Pasol, at OSM Chair Dr. Cynthia Castro.

Sinuportahan din ang pulong ng MSGC Technical Wor­king Group (TWG) sa pamumuno ni Dr. Jhoanna Abuzman. Ang masinsinang alignment na ito ay hindi lamang para sa pagpaplano, kundi para maging handa ang ospital sa darating na ISA (Institute for Solidarity in Asia) Audit. Layunin nito na masukat ang tunay na impak ng bawat prog­rama sa buhay ng mga ba­tang Pilipino mula bagong silang hanggang sa edad na 19.

Sa pagkakaisa ng gobyerno, pribadong sektor, at media, kampante ang NCH na masisi­guro ang de-kalidad at world-class na kalinga para sa susunod na henerasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here