Home METRO Bulkang Bulusan itinaas sa alert level 1

Bulkang Bulusan itinaas sa alert level 1

121
0

SORSOGON, Philippines – Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 1 ang Bulusan Volcano matapos ang pagdami ng lindol at pag-umbok ng lupa sa paligid nito.

Ayon sa PHIVOLCS, mula Marso 15 ay naitala ang 475 volcanic earthquakes na dulot ng pagbitak ng mga bato sa ilalim ng bulkan. Mayroon ding ground deformation o pamamaga ng lupa sa ilang bahagi nito.

Bagama’t mahina hanggang katamtaman ang paglabas ng gas, ipinapakita ng mga datos na may nagaganap na aktibidad sa ilalim ng bulkan na maaaring magdulot ng biglaang phreatic o steam-driven eruptions.

Dahil dito, ipinagbawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone, at pinapayuhan ang ibayong pag-iingat sa 2-kilometrong Extended Danger Zone sa timog-silangang bahagi.

Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa posibleng panganib tulad ng ashfall, pagguho ng bato, pyroclastic flows, at lahar lalo na kapag may malakas na ulan. Pinayuhan din ang mga piloto na umiwas sa paglipad malapit sa tuktok ng bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here