Home NATIONWIDE Alamin: Halaga ng matatangap ng mga tsuper, operator ng PUVs

Alamin: Halaga ng matatangap ng mga tsuper, operator ng PUVs

111
0

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang halaga ng fuel subsidy para sa iba’t ibang driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis.

Para sa traditional jeepneys, makatatanggap ang mga operator ng P5,000 kada unit at P1,500 naman ang bawat driver. Sa modern jeepneys, P10,000 kada unit ang para sa operator at P1,500 para sa driver.

Makakakuha ang mga operator ng public utility bus (PUB) at point-to-point (P2P) buses ng P10,000 kada unit, habang P5,000 ang matatanggap ng bawat driver. Para sa minibuses, P9,000 kada unit ang para sa operator at P5,000 sa driver.

Tatanggap ang taxi operators ng P2,000 kada unit at P5,000 naman ang bawat driver. Sa Filcab o multicab, P5,000 kada unit ang para sa operator at P1,500 sa driver.

Para sa transport network vehicle service (TNVS), P1,500 ang matatanggap ng bawat operator.

Sa UV Express, makatatanggap ang mga operator ng modern units ng P10,000 kada unit at P5,000 ang bawat driver, habang ang traditional UV Express operators at drivers ay tig-P5,000 kada unit at kada driver.

Makakatanggap din ng P5,000 ang bawat school transport driver.

Ayon sa DOTr, ipamamahagi ang subsidy sa mga operator sa pamamagitan ng fuel cards, manager’s checks, bank transfer, o e-wallet, habang cash o e-wallet naman ang para sa mga driver.

Sinimulan na rin ang pamamahagi ng subsidy para sa tricycle drivers sa Metro Manila, kung saan aabot sa 723,000 operator at driver ang makatatanggap ng tig-P5,000 matapos ang Holy Week. Mayroon ding 157,972 delivery drivers na tatanggap ng subsidy pagkatapos ng holiday.

Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak ng fuel subsidy program bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan laban sa pagtaas ng presyo ng langis, kabilang ang 50 porsyentong diskwento sa pasahe sa LRT-2 at MRT-3. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here