Home METRO Libreng sakay inilunsad ng Kamara

Libreng sakay inilunsad ng Kamara

164
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Kamara sa pangunguna nina House Speaker Faustino Dy at House Majority Leader Sandro Marcos ang programang Biyaheng Damayan o libreng sakay sa mga commuters na bimibyahe mula sa  San Jose del Monte, Bulacan hanggang Quezon City Rotonda.

Ang programa ng Kamara ay bahagi ng inisyatibo na pagaangin ang hirap ng mga commuters bunsod ng mataas na presyo ng langis.

“This is about making sure that government response is felt where it matters most—in the daily lives of our people.  Habang tumataas ang presyo ng langis at pamasahe dahil sa mga pangyayaring wala sa ating kontrol, tungkulin nating tiyakin na may agarang tulong para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na ang hakbang ng Kamara ay nakaangkla sa programa ni Pangulong Bongbong Marcos na matulungan ang taumbayan sa nararanasang krisis sa enerhiya.

“This libreng sakay initiative is part of the President’s whole-of-government approach to protect the purchasing power of Filipino families. Hindi puwedeng puro long-term solutions lang. Kailangan may agarang ginhawa para sa mamamayan habang inaayos natin ang mas malalaking usapin sa ekonomiya,” paliwanag nito.

Sa ilalim ng programa, apat na bus ng Kamara ang bibiyahe sa araw ng Lunes, Huwebes at Biyernes, nagsimula na ito ngayong araw, Marso 26.

Magkakaroon ng biyahe sa peak hour o mula ala 5:30 ng umaga hanggang alas 8:00 at alas 4:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Sakop ng libreng sakay ang ruta mula San Jose del Monte, Bulacan patungong  Quezon City Rotonda, at  Quezon City Rotonda patungong Fairview Terraces at gayundin pabalik.

Una nang pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay.

Sinabi ni House Secretary-General Cheloy Velicaria-Garafil na batay sa abiso ng LTFRB ay hindi na kailangan ng special permit dahil ang sasakyang gagamitin ay official government vehicles at walang pasahe na sisingilin. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here