Home METRO BARMM, namahagi ng ayuda sa mga PUV driver

BARMM, namahagi ng ayuda sa mga PUV driver

126
0

COTABATO CITY, Philippines – Naglabas ang Ministry of Transportation and Communication sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOTC-BARMM) ng fuel subsidy para sa sektor ng transportasyon habang nakabinbin pa ang petisyon para sa provisional fare increase ng mga pampublikong sasakyan sa rehiyon.

Sa ilalim ng MOTC-BARMM Pantawid Pasada Program (PPP), makatatanggap ng tig-P7,500 ang bawat franchise holder ng jeepney, UV Express, bus, minibus, at taxi na may valid Certificate of Public Convenience o Provisional Authority mula sa Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Nagsimula ang pamimigay ng subsidy noong Martes.

Ayon kay Lady Hanifah Mindalano-Alonto, Director II for Administrative and Finance Services ng MOTC-BARMM, patuloy pang nirerepaso ang hiling na pagtaas ng pamasahe ng mga transport group, ngunit inaasahan ng pamahalaan na makatutulong ang fuel subsidy para mapagaan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Sinabi rin niya na bahagi ito ng programang inilunsad ng MOTC noong Setyembre noong nakaraang taon, na layong magbigay ng direktang tulong sa mga kwalipikadong tsuper at operator.

Samantala, nitong Lunes, naglunsad ng transport strike ang mga manggagawa sa transportasyon na nakaapekto sa biyahe ng publiko. Dahil dito, nag-deploy ng shuttle units ang Bangsamoro Airport Authority para sa mga pasahero papuntang Cotabato Airport.

Nagbigay rin ng libreng sakay ang Ministry of Labor and Employment at Ministry of Basic, Higher, and Technical Education para sa mga commuter. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here