Home NATIONWIDE Oplan Biyaheng Ayos sa Semana Santa, ikakasa ng PCG

Oplan Biyaheng Ayos sa Semana Santa, ikakasa ng PCG

156
0

MANILA, Philippines-  Mahigpit na nagpaalala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko kaugnay ng pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos para sa Semana Santa 2026, lalo na sa mga nangangailangan ng gabay at tulong.

Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na maaaring lumapit ang mga pasahero sa Malasakit Help Desk na inilagay sa mga pantalan para sa agarang tulong at medical assistance habang naghihintay ng biyahe.

Upang maiwasan ang pagdagsa o siksikan sa pantalan, pinayuhan ng PCG ang mga biyahero na agahan at maglaan ng sapat na oras para sa mga isinasagawang inspeksyon at security measures para sa kaligtasan.

Nagbabala rin ang PCG laban sa pagsakay sa mga kolorum na bangka, kabilang ang mga bangkang pangisda na ginagamit sa island hopping, dahil walang koordinasyon ang mga ito sa PCG at kulang sa life-saving equipment na mahalaga sa oras ng aksidente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here