Manila, Philippines – Hinulaan ng isang feng shui expert ang kapalaran ni Andrea Brillantes at ng rumored boyfie niya na si Franchesko Capistrano sa pagpasok ng Year of the Fire Horse ngayong 2026.
Aniya, nakikita raw niya na maraming papasok na pera at accomplishment si Blythe being born in the Year of the Sheep na ally daw ng goat, na secret friend naman ng horse.
Pinag-iingat naman niya si Franchesko na ipinanganak sa monkey sign dahil prone daw ito sa betrayal.
Nang basahin naman niya ang destiny ng couple, lumabas ang devil card sa mga baraha.
Ibig sabihin, magkakaroon daw ng maraming isyu o problema ang relasyon ng dalawa na kung di masosolusyunan ay hahantong sa hiwalayan. Archie Liao