Home NATIONWIDE Magsasaka utas sa tandem

Magsasaka utas sa tandem

125
0

CITY OF ILAGAN, Isabela — Sumisigaw ng hustisya habang pinaglalamayan ng kanyang pamilya’t kamag-anak ang isang magsasaka matapos barilin ng riding-in-tandem sa Purok 3, Barangay Cabisera 27, City of Ilagan, Isabela.

Dakong alas-7:00 ng gabi ng pagbabarilin ang biktima na si Narciso Marin, 58-anyos, residente sa naturang lugar na agad binawian ng buhay.

Ayon sa ilang salaysay ng mga residente namataan ang motorsiklo na humaharurot hanggang iulat na nga na may naganap na pamamaril.

Una rito, nagtungo si Marin kasama ang kaniyang anak sa kanilang taniman ng tobacco.

Nang pauwi na sana ang dalawa sakay ng kanilang motorsiklo ay biglang may bumuntot sa biktima na riding-in-tandem lulan ng Honda PCX at agad itong binaril.

Ang biktima agad na isinugod sa pagamutan ng mga opisyales ng barangay dahil sa mabagal na pagresponde di umano ang pamunuan ni PLtCol. Jeffrey Raposas, hepe ng City Of Ilagan Police Station.

Matatandaan na isa ring insidente ng pamamaril ang naganap sa kaparehong barangay noong buwan din ng Marso ng nakaraang taon kung saan ang biktima ay ang mismong noo’y Kapitan ng barangay na si Avelino Quitola na hanggang ngayon di umanoy hindi pa nakakamit ang hustisya ng mga pamilya’t kamag-anak. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here