Home NATIONWIDE Bahagi ng EDSA Magallanes flyover sarado mula Abril 1 ‘gang 5 sa...

Bahagi ng EDSA Magallanes flyover sarado mula Abril 1 ‘gang 5 sa rehab

134
0

MANILA, Philippines – Isasara ang southbound lane ng EDSA Magallanes flyover ngayong Holy Week para sa rehabilitasyon, ayon sa Department of Public Works and Highways -National Capital Region (DPWH-NCR) nitong Lunes, Marso 30.

Sa abiso, magsasagawa ng 24/7 asphalt overlay works sa bahagi ng flyover mula alas-10 ng gabi ng Holy Wednesday hanggang alas-4 ng madaling araw ng Easter Sunday.

Mananatili namang bukas ang northbound lane para sa mga motorista.

Muling bubuksan ang mga apektadong lane sa takdang oras bago ang inaasahang pagdagsa ng trapiko pagkatapos ng Holy Week.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta partikular ang EDSA Service Road:

-kumaliwa sa EDSA Service Road bago marating ang Magallanes Flyover

-kumanan sa Chino Roces Avenue at magtuloy-tuloy patungo sa Waltermart, Makati

-kumanan sa Antonio Arnaiz Avenue at magtuloy sa Osmeña Highway

-kumanan sa Osmeña Highway-Magallanes Service Road papunta sa EDSA patungong Pasay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here