Home NATIONWIDE Kampo ni VP Sara ‘di kokontra kung may sapat na bilang Kongreso...

Kampo ni VP Sara ‘di kokontra kung may sapat na bilang Kongreso sa impeachment

122
0

MANILA, Phillippines – HINDI kokontra ang defense team ni Vice President Sara Duterte kapag nakakalap ang Mababang Kapulungqn ng Kongreso ng sapat na boto para I-impeach ang Bose-Presidente at i-transmit ang mga reklamo sa Senado para sa trial proper.

Ito ang sinabi ini Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ni VP Sara, bilang tugon kay House Committee on Justice Vice Chairperson at San Juan City Representative Ysabel Zamora, nagpahayag ng kumpiyansa na ang Kongreso ay may sapat na bilang kahit papaano ay ‘one-third’ ng miyembro nito para i-impeach si VP Sara.

“Kung gusto naman nilang iakyat na, we will not object kasi that’s within their power. Talaga namang botohan ‘yan. At kung magkaroon ng botohan at may numero na at mai-akyat sa Senado, ready tayo. Just like we were ready last year,” ayon kay Poa.

Kung matatandaan, in-impeach ng Kongreso si VP Sara noong Pebrero ng nakaraang taon,mayroong 200 kongresista ang nag-endorso ng verified complaint laban sa kanya. Ito’y tinransmit (transmitted) sa Senado bilang ‘articles of impeachment.’

Makailang ulit na sinabi ng kasalukuyang defense team ni VP Sara na handa silang sagutin ang alegasyon laban sa Bise-Presidente sa tamang oras at sa tamang forum—kung saan ay pinaniniwalaan nilang Senado.

“So kung sa kanila, sabi nga nila may boto na, iakyat na natin. Do’n naman, malalabas naman din ang mga bagay na ‘to, hindi naman natin maiiwasan ‘yun,” ang winika ni Poa.

“Now, if they want to fast track and…mag-recommend na ang committee at magbotohan na sa plenary, by all means, we will not oppose that,” dagdag na pahayag ni Poa.

Noong nakaraang linggo, pormal na sinimulan ng House Committee on Justice ang pagdinig sa impeachment complaints laban kay VP Sara.
Ito’y matapos na humantong at matuklasan na ang dalawangimpeachment complaints ay “sufficient in form, substance, at grounds.”

Subalit sinabi ni VP Sara na dapat na tapas na ibasura ang reklamo dahil sa kakulangan ng ebidensiya. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here