Home OPINION DIGMAANG IRAN: MAGTATAGAL, BABANGIS PA

DIGMAANG IRAN: MAGTATAGAL, BABANGIS PA

146
0

HABANG tinitipa natin ito, mga brad, lumilitaw na magtatagal at babangis pa ang digmaan sa pagitan ng United States/Israel at Iran.

Noong una, Iran lamang ang lumalaban ngunit sinamahan na ito ng Iraq, Houthi sa Yemen, mga militante sa Syria, Hezbollah sa Lebanon at Russia at China bagama’t palihim.

Sa panig ng US/Israel, kumikiling na rin ang United Arab Emirates at Saudi Arabia at Great Britain bagaman sasama lang ang European Union kung may tigil-putukan na sa pagitan ng US/Israel at Iran.

Ngayo’y nagsimula na ang pagkilos ng US at Israel para sa ground invasion o pagsakop sa ilang bahagi o buong Iran na magpapatagal ng digmaan.

Dahil dito, posibleng matulad ito sa giyerang US-Afghanistan na nagtagal ng 20 taon at Vietnam war na nagtagal din ng 24 taon.

Ibig sabihin, magtatagal din ang krisis sa langis na ating nararanasan na bunga ng digmaan dahil tuloy-tuloy na mapigilan na dumaloy sa merkado ang 20% suplay ng langis ng mundo mula sa Saudi Arabia, Kuwait, Iraq, Iran, Bahrain, Qatar, United Arab Emirates at Oman.

Kung napakasama na ang ating kalagayan sa suplay at presyo ng langis na nagpalobo sa presyo ng lahat ng bilihin at serbisyo na ating ikinahihirap ngayon, lalo pang sasama ang lahat dahil sa posibleng pagtagal ng digmaan na magpatuloy sa pagsirit ng presyo ng langis.

Kaya naman, dapat kumilos at maglatag ang pamahalaan ng mga matagalang batas at patakaran para sa mga alternatibong pagkukunan ng suplay ng langis at maglaan ito ng sapat na pondo para rito.

Dapat ding kumilos ito para lumaya sa pagkakagapos ng kamay nito ng mga batas na Oil Deregulation Law at Electric Power Industry Reform Act.

Pinagbabawalan ng mga batas na ito ang pamahalaan na magtakda o tumimpla sa presyo ng mga produktong petrolyo at kuryente na kung magmahal ay dahilan din ng pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at serbisyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here