Home OPINION TUNAY NA KAIBIGAN, TOTOONG KAAWAY

TUNAY NA KAIBIGAN, TOTOONG KAAWAY

145
0

MATAPOS ang halos tatlong taon na ‘Hate China Campaign’ ng admininistrasyon at hayagang pagpapakatuta sa Kano, “nagbago ang ihip ng hangin” at biglang naging “mabait” na ngayon ang ilan nating opisyal sa China.

Ang dahilan ay hindi dahil napagtanto nito na “mali” ang nasabing polisiya, bagkus, nahaharap tayo ngayon sa matinding krisis sa ekonomiya bunga ng kriminal na agresyon ng ‘Tadong Unidos at Israel sa Iran kung saan nadamay ang buong mundo dahil “naipit” ang suplay ng krudo papunta dito sa atin mula sa Middle East.

Nagpapasalamat naman ang mga Pilipino na sadyang mahinahon at mahaba ang pasensya sa atin ng China at kinakausap pa rin at tayo—at nakahanda pa rin tayong tulungan na makakuha ng suplay ng langis at iba pang produkto na sadyang kailangan para makalampas ang ating ekonomiya sa krisis.

Marami kasi ang “kabado” na dahil sa walang sawang panghihiya at pambabastos sa China ng mga tuta nating opisyal ng Kano, “balewalain” na lang tayo ng China at hindi tayo damayan sa panahong sadyang kailangan natin ng tulong.

Uulitin natin na sa estratehikong punto-de-bista, hindi tayo kailangan ng China at kahit anoman sa ating mga produkto, tama ba?

At sa kabuuan? Wala tayong halaga kahit sa iba pang mga bansa at mga kapitbahay natin sa rehiyon kaya dapat nang itigil ng mga katulad ni ‘G. Brownie’ ang kahambugan na ‘world-class’ daw tayo, hane?

Pagpapakita na ‘civilized people’ o “disente” ang China dahil mas pinili nitong “ipikit” ang mata sa ating mga “kasalanan” at mas tingnan ang libong taon nating “pinagsamahan” bilang magkapitbahay, magkaibigan at kapit-bisig” sa naging pagsasamantala ng kampo ng Imperyalismo.

Bagaman, sobrang maaga pang “mangarap” na “gaganda” na relasyon natin sa China.

Dangan kasi, “nakikita” nila na galawang “oportunista” ang paglapit natin sa kanila— “naalala” lang natin dahil nakita ng gobyerno na”peke” ang ‘ironclad commitment’ ng ‘Merika dahil sa panahon ng krisis, tumulong ba si Trump sa atin? At kung hindi “didiskarte” si BBM, “maninigas” tayong lahat.

Sino ngayon ang totoo nating kaibigan at tunay na kaaway?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here