Home NATIONWIDE 19 pang Pinoys na naiipit sa MidEast war, ligtas na nakalabas ng...

19 pang Pinoys na naiipit sa MidEast war, ligtas na nakalabas ng Israel

116
0

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na nakalabas ng Israel ang 19 pang Pilipino, kabilang ang dalawang bata, sa pamamagitan ng Taba Border Crossing patungong Egypt.

Ang grupo, na tumawid noong Marso 29, ay tinulungan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv at sinalubong ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Cairo at ng Overseas Workers Welfare Administration Rapid Response Team pagdating sa Taba. Inaasahan silang makauwi sa Maynila ngayong Miyerkules.

Ayon sa DFA, maaaring makipag-ugnayan ang mga Pilipino sa Israel na nais umuwi sa bansa sa embahada para sa kaukulang tulong.

Sa kabuuan, umabot na sa 167 Pilipino — kabilang ang caregivers, hotel workers, dependents, turista, pilgrim, at estudyante — ang natulungan makalabas ng Israel mula nang sumiklab ang sigalot sa Iran noong Pebrero 28.

Batay sa pinakahuling datos ng DFA, hindi bababa sa 838 non-OFW Filipinos mula sa iba’t ibang bansa sa Middle East ang natulungan nang makauwi ng pamahalaan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here