IRAN – Tinarget ng strike ng US at Israel ang petrochemicals hub sa southwestern Iran nitong Sabado, Abril 4.
Nagdulot ito ng limang sugatan ayon sa Iranian media.
“Explosions occurred in the Special Petrochemical Zone of Mahshahr,” sinabi ng Fars news agency, mula sa impormasyon naman ni deputy governor for Khuzestan province Valiollah Hayati.
Aniya, tinamaan ng “US-Israeli attack on Mahshahr” ang tatlong kompanya sa lugar habang sinabi naman ng Tasnim news agency na “the extent of the damage remains unknown.”
Hindi pa malinaw kung may nasawi sa nangyaring pag-atake. RNT/JGC