Home NATIONWIDE Mga Filipino hinimok ni PBBM, ‘rise with renewed purpose’ ngayong Easter Sunday

Mga Filipino hinimok ni PBBM, ‘rise with renewed purpose’ ngayong Easter Sunday

124
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Filipino na bumangon nang may “renewed purpose” at “deep sense of responsibility for one another” ngayong Easter Sunday.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Marcos na ang Linggo ng Pagkabuhay ay sumisimbolo ng renewal at pag-asa.

“Today, I call on every Filipino to rise with renewed purpose, unyielding hope, and a deep sense of responsibility for one another,” anang Pangulo.

Iginiit pa nito na ang pagbuo ng matibay na bansa ay nangangailangan ng ‘shared effort’ at ang pagkakaisa ay dapat na naka-angkla sa paggawa ng kabutihan at paglilingkod.

“As a people known for our resilience and deep faith, let us carry the light of Easter into our daily lives not only in words, but in action,” dagdag pa niya.

Hinimok din ni Marcos ang mga Filipino na piliin ang habag at pagiging mapagbigay sa araw-araw na buhay.

Aniya, sa pamamagitan ng collective resolve at isang shared vision, “there is no challenge we cannot overcome.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here