Home HOME BANNER STORY Pinay utas sa missile attack sa Israel

Pinay utas sa missile attack sa Israel

99
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang Filipina sa missile attack sa isang residence sa Haifa, Israel noong Linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes.

Sa pahayag ng DFA, sinabi nitong napatay ang Filipina noong gabi ng Abril 5, 2026. Kabilang din sa nasawi ang kanyang Israeli husband at ang matatanda nitong mga magulang.

“The Department of Foreign Affairs expresses deep sorrow over the death of a Filipina national who was killed in a missile attack on a residence in Haifa, Israel on the evening of 05 April 2026,” ayon sa DFA.

Sinabi rin ng DFA na ipinaalam na ng Philippine Embassy in Tel Aviv sa pamilya ng biktima ang nangyari at nagbibigay na ito ng kinakailangang tulong, kabilang ang pag-aayos para sa pinakamaagang posibleng repatriation ng mga labi nito sa kabila ng kasalukuyang travel situation sa rehiyon.

“The Philippine Embassy in Tel Aviv has informed the family and is providing all necessary assistance, including arrangements for the earliest possible repatriation of her remains despite the current travel situation in the region,” ayon sa ahensya.

Ayon pa sa DFA, nakikipag-ugnayan din ito sa pamilya upang magbigay ng suporta sa gitna ng kanilang pagdadalamhati. Hiniling din umano ng pamilya ng biktima na mabigyan sila ng privacy habang nagluluksa.

“The Department is also reaching out to support the family during this difficult time,” saad sa pahayag.

Dagdag pa ng DFA, “We join the Filipino community in praying for her eternal rest and for strength for her family during this time of profound loss.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here