Home NATIONWIDE Krimen sa Holy Week break, bumaba – PNP

Krimen sa Holy Week break, bumaba – PNP

126
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes ang 23-porsiyentong pagbaba ng focus crimes sa buong bansa ngayong Holy Week at sa linggong nauna rito kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa datos ng PNP, bumaba ang focus crimes — murder, homicide, rape, physical injury, carnapping, robbery, at theft — mula 1,574 kaso noong Abril 5 hanggang 20 ng nakaraang taon sa 1,207 kaso mula Marso 21 hanggang Abril 5 ngayong taon, o katumbas ng 367 mas kaunting insidente.

Sa mga naitalang kaso, bumaba ang murder mula 165 sa 160, homicide mula 65 sa 49, robbery mula 157 sa 153, at theft mula 508 sa 443. Pinakamalaki naman ang ibinaba ng rape cases, mula 404 sa 139. Bumaba rin ang carnapping cases, kung saan ang motor vehicle incidents ay mula 13 sa 6 at ang motorcycle cases ay mula 10 sa 4.

“I would like to extend our gratitude to our partner agencies, local government units and advocacy groups for their invaluable support and augmentation. This success is truly a product of our collective effort,” ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Samantala, sinabi ng PNP na pinaigting nito ang koordinasyon sa mga opisyal ng komunidad at mga residente upang sugpuin ang cigarette smuggling, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa criminal syndicates.

Tinukoy ni Nartatez ang pagkakasabat noong Abril 2 ng P50 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Maguindanao del Norte bilang patunay ng epektibong intelligence sharing.

“Barangay officials and the people in the community are strong partners in peace and order. This is a tried and tested alliance against criminal elements and we must keep it that way,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here