BATAAN – Isang vintage bomb na may bigat na 250 lbs ang inulat na natagpuan sa isang construction site ng ginagawang beach resort sa Barangay Malaya, Mariveles.
Sa ulat ng Bataan Explosives and Ordnance Disposal (EOD), nadiskubre ng 35-anyos na backhoe operator na si Dexter Tomas ang bomba habang naghuhukay sa ginagawang development sa isang pampublikong beach sa naturang lugar.







