Home Uncategorized Reporma sa oil sector, energy security, hirit ni Sotto: ‘Proteksiyon sa consumer,...

Reporma sa oil sector, energy security, hirit ni Sotto: ‘Proteksiyon sa consumer, isabatas’

100
0

Muling isinulong ni Senate President Vicente C. Sotto III ang matagal nitong adbokasiya sa pagrereporma ng sektor ng langis sa harap ng mahabang panahon ng lehislatura upang protektahan ang consumer laban sa pabago-bagong presyo ng gatong.

Patuloy na isinusulong ni Sotto ang paglikha ng policy measure upang mapagaan ang bigat ng pagtaas ng presyo ng langis sa mamamayan, kabilang ang pagboto sa suspensiyon ng excise tax sa produktong petrolyo at paghahain ng mga pangunahing batas tulad ng Total Repeal of Oil Deregulation Law (RA 8479) at ang Philippine Strategic Petroleum Reserve Act.

Iginiit ng lider ng Senado na matibay ang kanyang posisyon sa pagbubuwis sa langis na kanyang pinanghahawakan sa loob ng ilang dekada.

“I voted against the laws that I felt during that time would have a very difficult or potential impact on the country,” ayon kay Sotto.

Noong 2021, kasama sina Senador Panfilo Lacson, dating Senador Gringo Honasan, at energy expert Ed Mañalac, nagpanukala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng isang joint oil exploration initiative sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Aniya, nakasandig ang panukala sa isinusulong ngayon sa Kongreso sa pamamagitan ng Philippine Strategic Petroleum Reserve Act upang makalikha ng government-owned at state-managed petroleum stockpile.

“Sa buong mundo, bakit sa Pilipinas lang walang oil? Bakit lahat ng mga bansa meron, so hindi nahahanap. Pinopropose pa namin ’yan, panahon ni President Duterte, Sen. Honasan, Sen. Lacson, pinuntahan namin si Pres. Duterte, sabi namin, pumasok tayo sa joint venture ng oil exploration sa West PH Sea, so gusto niya, pero ewan ko yung mga kasama niya, hindi natuloy eh,” ani Sotto.

Tinindigan ni Sotto ang sariling legislative agenda na nakaangkla sa pagtiyak ng pagkapantay-pantay para sa lahat ng Filipino, partikular ang pagsangga sa kanila laban sa labis at madalas na pagbubuwis sa essential commodities tulad ng langis at produktong petrolyo.

Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here