Home METRO 6 arestado ilegal na pagbebenta, pag-hoard ng langis sa Laguna

6 arestado ilegal na pagbebenta, pag-hoard ng langis sa Laguna

151
0

LAGUNA, Philippines – Arestado ng Philippine National Police (PNP) ang anim na indibidwal sa Laguna nitong Miyerkules dahil sa umano’y ilegal na pagbebenta, pag-ho-hoard, at adulteration ng petroleum products, kung saan nasamsam ang mahigit ₱73,000 na halaga ng gasolina.

Ang mga suspek ay kinasuhan sa ilalim ng Presidential Decree 1865 o “Oil Pilferage Law.” Isinagawa ang operasyon sa loob ng isang hotel at resort compound sa Barangay San Antonio 1, San Pablo City, Laguna.

Bago ang operasyon, gumamit ang pulisya ng drone at recording devices at naaktuhang isinasagawa ng mga suspek ang dispensing, short-selling, hoarding, at paghahalo o adulteration ng produktong petrolyo.

Nakumpiska sa lugar ang isang orange oil tanker na may humigit-kumulang 500 litro ng petrolyo, 54 na square tanks, limang electric pumps, 20 talampakang pressure hose, pitong steel drums, steel funnel, at 21 empty 25-liter containers. Tinatayang ₱73,500 ang kabuuang halaga ng nasamsam na langis.

Dalawa sa mga suspek ang nasugatan matapos umanong tumalon mula sa ibabaw ng tanker at agad dinala sa ospital.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., “This operation underscores that tampering with petroleum products will not be tolerated.”

Dagdag niya, “Protecting the supply for our communities is a top priority,” at “In the midst of a national energy emergency, no one should sell or hoard oil for personal gain.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here