MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na ang paglabo ng ilang parte ng larawan na kuha sa kamakailan lamang na Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport (UPLIFT) meeting sa Palasyo ng Malakanyang ay bahagi ng standard operating procedure (SOP) nito.
Ang paliwanag na ito ng Malakanyang ay matapos na mapuna at humingi ng dahilan ang ilang netizens kung bakit ang text sa presentation screen na ipinakita sa miting ay malabo.
“It is SOP (standard operating procedure) for photographers that when there are [images] being flashed on screen, they are blurred,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez sa mga mamamahayag sa isang Viber message.
“But in the interest of truthful reporting and to put to rest any malicious insinuations, in this particular case, i gave d [the] green light,” aniya pa rin.
May ilang netizens kasi ang masusing binusisi ang larawan sa isang artificial intelligence chatbot, iginiit na kuha ang nasabing larawan noong Marso 2024. (KRIS JOSE)