Home METRO Delivery rider, binugbog ng 5 vendor dahil sa parking sa Malolos

Delivery rider, binugbog ng 5 vendor dahil sa parking sa Malolos

112
0

BULACAN, Philippines – Maghahain ng kaso ang isang delivery rider laban sa limang vendor na umano’y nanakit sa kanya matapos ang alitan sa parking sa Malolos, Bulacan.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang insidente nang hindi payagan ng mga vendor ang rider na mag-park dahil posibleng makaabala ito sa kanilang paninda.

“Nagkaroon sila ng alitan sa parking. Dahil ayaw pa-parkingan ng mga vendors doon,” ayon kay Malolos City Police Station chief Police Lt. Col. Rommel Geneblazo.

Arestado na ng pulisya ang isa sa mga suspek, habang sumuko naman ang apat pa. Nasa kustodiya na sila ng mga awtoridad at posibleng maharap sa kasong physical injury.

Ayon sa ilang opisyal ng Muslim consultative council, sinabi umano ng biktima ang masasakit na salita na ikinagalit ng mga vendor, ngunit ito ay itinanggi ng rider.

“Wala po akong sinabing ganun… Ako po ay humihingi lang ng kapirasong parking sa tabi po nila,” aniya.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here