Home NATIONWIDE Sasakyan ng QCPD, nahulog sa creek matapos mawalan ng kontrol; mga sakay...

Sasakyan ng QCPD, nahulog sa creek matapos mawalan ng kontrol; mga sakay sugatan

111
0

MANILA, Philippines – Isang sasakyang pagmamay-ari ng Quezon City Police District (QCPD) ang nahulog sa creek matapos umano’y mawalan ng kontrol at bumangga sa bakod sa Gilmore Avenue.

Batay sa paunang ulat, ang sasakyan ay mula 5th Street at kumanan papuntang Gilmore Avenue ngunit nagpatuloy umano sa dire-diretsong takbo, tumama sa wire barrier, at nahulog sa creek.

Sa pahayag ng QCPD, isang pulis na nagmamaneho ng service vehicle ang nawalan ng kontrol at bumangga sa bakal na bakod bago tuluyang tumagilid at mahulog sa malapit na creek.

Sugatan ang driver at mga pasahero at agad na dinala sa PNP General Hospital para sa paggamot.

Nagdulot din ng pinsala sa ari-arian ang insidente, habang malubhang napinsala ang sasakyan kabilang ang sira sa windshield, side mirrors, headlights, at hood.

Iniutos ni QCPD Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio ang masusing imbestigasyon sa insidente, at posibleng kasuhan ang mga sangkot kung mapapatunayang may kapabayaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here