MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kagalakan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mexican philanthropist na si Victor González Herrera sa pag-donate ng devotional images ng Our Lady of Guadalupe para sa 2026 Philippine pilgrimage.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binibigyang diin ng devotional images ang ‘ispirituwal at pangkultura’ na kahalagahan para sa mga Katolikong filipino.
Nakatakdang dumating sa Maynila sa Hunyo 13, ang Pilgrim Image ng Our Lady of Guadalupe ay magsisimula ng nationwide journey sa mahigit sa 52 cathedrals at mga pangunahing shrines sa iba’t ibang lugar sa bansa.
“This includes a visit during the 132nd CBCP Plenary in Ozamiz City before its permanent installation at the Manila Cathedral,” ayon sa PCO.
Bahagi ng Novena Intercontinental Guadalupana (2025–2031), ang pilgrimage ay inorganisa ng Guadalupe Pilgrimage Committee sa pakikipagtulungan sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bilang paghahanda para sa ika-500 anibersaryo ng Marian apparitions sa 2031. (KRIS JOSE)