Home METRO Kampanya laban kriminalidad pinaigting ng Cavite PNP

Kampanya laban kriminalidad pinaigting ng Cavite PNP

150
0

CAVITE, Philippines – Ipinatupad ng buong puwersa ng Cavite PNP ang mahigpit na kautusan ni Secretary ng Department of Local Government Jonvic Remulla ang kampanya laban sa kriminalidad sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi partikular sa lingsod ng Dasmariñas at Imus sa lalawigan ng Cavite.

Sa pangunguna ni PCol Ariel Red, Cavite Police Provincial Director nagsimula galugarin nito ang mga lugar sa Bacoor City at ipaalam sa mga resodente rito na iwasan na ang pag iinom sa kalye, at maipatupad ang ordinansa ng lungsod upang maiwasan ang anumang.krimen na posibleng.maganap sa lugar.

Kasabay nito, pinagunahan naman ni PLTCol Mac Arthur Mercader, hepe ng Dasmariñas City katuwang si PLTCol Willy B Salazar, DPDA at Deputy COP PMajor Marlon Escalante ang pag iikot sa mga kalye ng Barangay Paliparan 3, Dasmariñas kung saan 66 dito ang sinita dahil sa.paglabag sa ordinansa ng lungsod at Carfew para sa mga kabataang nasa lansangan sa oras ng alas 10 na gabi.

Sa lungsod naman ng Imus sa pqngunguna ni PLTCol Chey Chey Saulog katuwang ang mga Barangay Kapitan sinuyod naman nito ang  ang Greengate Subdivision na isa sa pinamalaking subdivision sa lungsod kasama ang ilang kawani ng DSWD para paalalahanan ang ilang menor de edad na kanilang nasita na nasa lansangan.

Dahil dito, sinigurado ni CALABAZON 4A Regional Director PBGeneral Hansel.M Marantan na mababawasan o maiiwasan ang mga nagaganap na krimen sa kanyang nasasakupan kung patuloy na magpapatupad na ganitong gawain ang kapulisan na ang layunin ay ang kapakanan ng mamayan. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here