Home NATIONWIDE Suporta ng US, pinalakas laban kontra TB ng DOH

Suporta ng US, pinalakas laban kontra TB ng DOH

115
0

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang Department of Health (DOH) sa US Department of State upang palakasin ang pagtuklas at paggamot ng tuberculosis (TB) sa Pilipinas.

Ayon sa DOH nitong Miyerkules, nagbigay ang State Department ng sapat na gamot para sa 230,000 pasyente, pati na rin ng 12 ultraportable X-ray machines.

Noong Marso, iniulat ng DOH na mayroong 101,807 kaso ng TB sa Metro Manila hanggang Pebrero 16.

Patuloy na isinusulong ng DOH ang maagang pagtuklas, agarang paggamot, at pag-iwas bilang bahagi ng kampanya laban sa tuberculosis.

Ang tuberculosis ay nananatiling nangungunang nakakahawang sakit sa mundo, na nagdulot ng hanggang 1.23 milyong pagkamatay noong 2024, ayon sa World Health Organization (WHO). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here