MANILA, Philippines – Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga Pilipino na suportahan ang mga hakbang ng pamahalaan upang maprotektahan ang soberanya at teritoryo ng bansa.
“Today, the Philippines confronts growing threats to its sovereignty and integrity, while conflict beyond its shores affects the well-being of our people,” ani Teodoro sa paggunita ng ika-84 na Araw ng Kagitingan.
Hinimok niya ang publiko na piliin ang kapakanan ng bansa at maging matatag sa pagtatanggol nito. “In the face of these challenges, we enjoin our fellow Filipinos to choose the Republic… defend our country, uphold our national interests, and protect our way of life.”
Binigyang-diin din niya ang sakripisyo ng mga beterano na nagbigay-daan sa kapayapaan ngayon, at pinapurihan ang mga kasalukuyang sundalo na patuloy na nagtatanggol sa bansa.
Samantala, nanawagan din ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa mga Pilipino na tularan ang tapang at katatagan ng mga bayani.
Ayon kay OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga aral ng kasaysayan ay mahalagang gabay sa pagharap sa kasalukuyang hamon at pandaigdigang sigalot.
Idinagdag niya na patuloy ang pagsisikap ng bansa sa kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng pagtugon sa ugat ng mga alitan at pagtulong sa mga dating mandirigma at kanilang komunidad.
Nanawagan siya ng pagkakaisa upang makamit ang isang mapayapa, maayos, at maunlad na kinabukasan para sa susunod na henerasyon. RNT/MND