ZAMBOANGA, Philippines – Idineklara ng Sangguniang Panlungsod ng Zamboanga City ang state of calamity dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na dulot umano ng tensyon sa Middle East.
Aprubado ang resolusyon noong Abril 8 batay sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na inilabas noong Marso 11.
Dahil dito, maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan ang 30% Quick Response Fund mula sa kanilang Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa mga relief measures tulad ng financial assistance, pamamahagi ng ayuda, at pagtugon sa mahahalagang pangangailangan at imprastraktura.
Mula Marso, nakikipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa Department of Trade and Industry, Department of Energy, at mga fuel retailers upang maiwasan ang hoarding at overpricing ng fuel at iba pang pangunahing bilihin.
Nanawagan si Mayor Khymer Olaso sa mga negosyante na huwag samantalahin ang sitwasyon at huwag magtaas o magmanipula ng presyo. Hinikayat din niya ang publiko na manatiling suportado sa gitna ng krisis.
Samantala, nagpatupad ng rollback sa presyo ng gasolina ang ilang gas stations ng Petron, kung saan bumaba ang presyo mula ₱153 patungong ₱135, at may bawas na hindi bababa sa ₱1 sa gasolina. RNT/MND