Home ENTERTAINMENT Carlos at mga kapatid, bati na; Mga magulang, di pa maayos!

Carlos at mga kapatid, bati na; Mga magulang, di pa maayos!

139
0

Manila, Philippines – Salamat kay Chloe San Jose na nagsilbing tagapamagitan sa nobyo niyang si Carlos Yulo at mga kapatid nitong sina Eldrew at Elaiza.

Sa guesting ng magnobyo sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi nila na all’s well between the two-time Olympic gold medalist and his siblings.

May ambag nga doon si Chloe na kumumbinsi kay Carlos to fix his relationship sa mga kapatid nito.

“Mahal, at least with your siblings,” pambubuyo daw ni Chloe sa kanyang nobyo.

Open book ang ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng magkasintahan at ng mga magulang ng atleta.

While Carlos’ relationship with his younger siblings is already settled, this cannot be said tungkol sa relasyon nito sa kanyang parents Mark Andrew at Angelica.

Kaya tinanong ni Boy si Carlos, what if kung tanungin siya ng Diyos kung kumusta siya bilang anak ay ano ang kanyang isasagot?

Ani Carlos: “Ginawa ko po ‘yung part ko at naglakas ako ng loob…humihingi ako sa inyo ng lakas ng loob upang kausapin sila…ma-explain ko kung ano ‘yung nangyari, lalo na sa nagawa po nila sa akin.”

Sasabihin daw ni Carlos sa Diyos na wala siyang kinikimkim na galit, sama ng loob o tampo sa kanyang puso.

Napatawad na daw niya ang kanyang mga magulang.

Sa tanong kung gusto ba niyang makasama ang mga ito, ani Carlos: “Hindi ko po hawak ang sagot na ‘yan.”

But personally, ipinagdarasal daw niya na maging maayos ang lahat.

In God’s perfect timing nga ba, Caloy? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here