Home NATIONWIDE Cartel-like behavior ng oil firms dapat busisiin ng DOE, ERC at PCC...

Cartel-like behavior ng oil firms dapat busisiin ng DOE, ERC at PCC – solon

121
0

MANILA, Philippines – Kailangan nang makialam ng Philippine Competition Commission (PCC), Energy Regulation Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) sa “cartel-like behavior” ng ilang kompanya ng langis sa tumataas na presyo nito, ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo nitong Sabado, Abril 11.

Ani Quimbo, ang mandato ng DOE sa mga kompanya ng langis na i-adjust ang kanilang presyo tuwing Martes ay hindi nagpo-promote ng kompetisyon sa mga kompanya na susi sa deregulation.

“Pag hindi nahihimay ang costing, hindi nakikita kung paano ginegenerate ang price. Hindi natin nakikita kung magkano ang kanilang hawak na imbentaryo ng gasolina, hindi tayo makakatanggap ng correct effect ng Oil Deregulation Law,” sinabi ni Quimbo.

Idinagdag pa niya na ang Oil Deregulation Law ay mayroon sanang “fantastic objectives” katulad ng pagtanggap ng mas marami pang investor at refineries sa bansa para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

Sa kabila nito, hindi ganito ang sitwasyon ngayon dahil kakaunti ang refineries at ang presyo ay hindi angkop sa fair competition sa merkado.

“So the PCC and ERC, as well as the DOE, they need to work kasi sobrang tagal hinihintay nito, wala pang kahit na anong isang findings na naglabas sila na mayroon talagang cartel-like behavior,” dagdag pa niya.

Ani Quimbo, na tinukoy naman ang sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na “even without looking at the facts,” ang mekanismo sa pagbabago ng presyo ng produkto kada linggo ay sumasalamin sa cartel-like behavior. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here