Home METRO Kelot tinarakan sa loob ng computer shop sa Maynila, dedo

Kelot tinarakan sa loob ng computer shop sa Maynila, dedo

147
0

MANILA, Philippines – PATAY ang isang 46 anyos na lalaki nang pagsasakin habang naglalaro sa loob ng isang computer shop sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si John John Bacolod, binata, subalit namatay din ito habang ginagamot dahil sa saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang maga suspek na kinilalang sina alyas Jeffrey, 49 at Jefferson, 25 kapwa residente ng Happyland, Brgy 105, Tondo Manila.

Sa ulat ni PMSg Jay Valenzuela ng Manila Police District (MPD), dakong alas-11:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa loob ng Jojo Computer Shop na matatagpuan sa GK Compound, Brgy 105, Tondo, Manila kung saan naglalaro sa computer ang biktima nang dumating ang mga suspek na armado ng patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito.

Matapos ang pananakasak, lumabas ang mga suspek dala ang ginamit na armas habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit namatay habang ginagamot.

Patuloy na pinaghahanap ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here