Home HOME BANNER STORY PBBM may patunay sa mga kritiko sa lagay ng kalusugan; nag-jumping jacks...

PBBM may patunay sa mga kritiko sa lagay ng kalusugan; nag-jumping jacks at nag-jogging pa

109
0

MANILA, Philippines – NAG-JUMPING JACKS, masayang humarap sa mga miyembro ng Malakanyang Press Corps (MPC) at puno ng energy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para ipakita at patunayan na maayos ang kalagayan ng kanyang kalusugan taliwas sa kumakalat sa social media na malala ang kanyang sakit at isa na siyang baldado.

“Can you tell – can you tell everyone na. kalokohan na ‘yan.

Ayan o, this is a…Hindi ito, hindi ito sa tape. It is the – I am carrying my statement for this afternoon, which is what I’m going to make.

It is April 14, we’re going to talk about the exercise tax,” ayon sa Pangulo.

Sa press conference sa Briefing Room ng New Executive Building, Malakanyang, hinamon ng Pangulo ang mga nagsabi na siya ay may sakit.

“I challenge anyone who are saying that I am sick, that they come and exercise with me. We will see who is stronger.You come to the gym with me. Tingnan natin kung sino mas malakas magbuhat ng weight,” aniya pa rin.

“Pero alam mo, gusto ko ngang sabihin, ang mga kababayan naman natin, ngayon, it’s a – tiniyak ko na makita ninyo na hindi totoo ‘yung mga sinasabi nila, na kasinungalingan ‘yan,” ang winika pa ng Pangulo.

Kaya mula aniya ngayon, ang mga tao aniya na nagsabi na siya’y may sakit, na siya ay baldado ay makabubuting alamin muna ng mga ito ang totoo.

“Ngayon alam ninyo, puro sinungaling ‘yang mga ‘yan. Kaya’t lahat ng sasabihin ng mga ‘yan, kasinungalingan. Kaya’t huwag niyo nang paniwalaan kung sino man ‘yung mga ‘yun. Now you know who the liars are and who is telling the truth,” diing pahayag nito.

Giit pa ng Pangulo na madali aniyang sabihin at malinaw na na “I’m in very, very good health.I just had… my – everything – my numbers are… I just had my regular blood test kasi nagpapaano ako ng vitamins and everything. And I’m fine. I’m really quite fine.”

Sa huli aniya niyang pagbisita sa ospital para magpa-CAT scan ay nakita magaling na ang kanyang diverticulitis.

“So that was what? Two and a half, three months ago, mga ganun. Mga ganun. So that’s the – all these reports as we are going to the hospital.

I haven’t been to the hospital for three months and even then it was just to have a CAT scan because the CAT scan – to tell my doctors if the diverticulitis has completely been fixed. And it was and I’m done,” ayon sa Pangulo.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo na back to normal na ang kanyang diet at back to normal na rin ang kanyang page-ehersisyo.

“I still exercise 3-4 times a week. I’m watching my food better than before,” anito.

Samantala, hindi naman itinanggi ng Pangulo na siya ay mayroon ng dalawang maintenance medicine.

“I have two, one for gout which is Allopurinol. Nasa lahi namin mga Ilokano magka-gout eh and the other is for high blood pressure, for hypertension.Those are the only two medicines that I take.The others that I take are – no, nothing really,” aniya pa rin.

At kapag mayroon aniya siyang allergies, umiinom siya ng antihistamine pero sa nagyon aniya ay wala naman siyang allergy.

“Aside from that, that’s it. That’s it. I’m not a great believer in supplements. If you eat well and you exercise regularly and you get regular sleep, ‘yun lang,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here