Home NATIONWIDE KALINGA Act, isinusulong ng Kamara sa pagpigil ng kakulangan, pagtaas ng presyo...

KALINGA Act, isinusulong ng Kamara sa pagpigil ng kakulangan, pagtaas ng presyo ng langis

89
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III noong Martes na ang KALINGA Act ay hindi lamang layong pababain o i-stabilize ang presyo ng langis kundi maiwasan din ang kakulangan sa suplay sa gitna ng pabago-bagong global oil market.

Kasama ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, isinulong nila ang House Bill No. 8834 o KALINGA Program (Komprehensibong Alalay sa Livelihood, Inflation, Negosyo and Goods Assistance), isang centralized framework na layong magbigay ng proteksyon laban sa fuel-driven inflation at tiyakin ang sapat na suplay ng enerhiya at pangunahing bilihin.

Sa ilalim ng panukala, nakasaad sa Section 6 ang Energy Supply, Security, and Inventory Management Component na magtitiyak sa availability ng langis, fuel, kuryente, at iba pang energy products sa panahon ng price shocks at supply disruptions.

Kabilang dito ang kapangyarihan ng gobyerno na pumasok sa government-to-government fuel supply agreements, pag-diversify ng import sources, monitoring ng national fuel inventories, pagpapatupad ng minimum stock levels, at emergency procurement at distribusyon ng fuel para sa mga kritikal na sektor.

Ayon kay Dy, mahalaga hindi lang ang presyo kundi pati ang sapat na suplay ng langis.

“Kahit may subsidy, kung kulang ang supply, tataas pa rin ang presyo at maaapektuhan ang buong ekonomiya,” aniya.

Dagdag pa niya, layon ng panukala na palakasin ang energy resilience ng bansa at matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa panahon ng global disruptions.

Ang KALINGA Act ay binubuo ng pitong bahagi kabilang ang fuel price stabilization, energy supply security, targeted assistance, stabilization ng essential goods at logistics, MSME energy relief, energy conservation, at flexible fiscal at regulatory measures. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here