Home NATIONWIDE 326 PNPA grads, nanumpa na bilang mga bagong parak

326 PNPA grads, nanumpa na bilang mga bagong parak

107
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Philippine National Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Martes ang 326 bagong nagtapos sa Philippine National Police Academy na tumulong sa pagbabagong-anyo ng hanay ng pulisya bilang “true protectors” ng bansa, kasabay ng pangakong paiigtingin ang mga reporma laban sa hazing sa loob ng akademya.

Sa isinagawang oath-taking ceremony sa Camp Crame, pinangunahan ni Nartatez ang panunumpa ng 230 lalaki at 96 babae na ide-deploy sa mga Police Regional Offices at sa Special Action Force.

Ipinahayag niya ang kanyang tiwala sa mga bagong opisyal habang naghahanda silang magsilbi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“The nation does not expect you to be perfect. But it expects you to be honest, brave, and committed. Hindi kayo pinili para maging ordinaryo — pinili kayo para maging halimbawa,” ani Nartatez sa mga graduate.

“Go out there and prove that you are worthy of the ranks you wear today. Be the officers our country needs, be the leaders your fellow officers deserve, and be the hope that our people can rely on,” aniya pa.

Ipinaalala rin ni Nartatez sa mga bagong opisyal na ang tunay na serbisyo ay nagsisimula lampas sa academy. “This is not the finish line. This is where the real journey begins. Hindi na ito simulation. Hindi na ito training exercise. This is where decisions are real, where consequences are immediate, and where the lives of our people will depend on you,” aniya.

Sa kanyang talumpati, tinalakay rin ni Nartatez ang kamakailang hazing incident na kinasangkutan ng mga underclassmen sa PNPA at sinabi niyang naghahanda ng mas mahihigpit na hakbang upang tuluyang wakasan ang naturang gawain at baguhin ang sistema ng cadet training.

“The cycle of wrong mindset on leadership and discipline among the cadets must stop, and it starts now. We will strengthen the existing mechanisms to deny any opportunity for violent and inhumane hazing activities,” aniya pa.

Kabilang sa mga planong reporma ang mas maayos na reporting systems, regular inspections, at pagsasanay na nakatuon sa leadership at accountability. Ayon sa mga ulat, mahigit 20 kadete ang nagtamo ng paso mula sa drain cleaner at muriatic acid sa hazing.

Sinabi ni Nartatez na maaaring maharap sa expulsion at criminal charges sa ilalim ng Anti-Hazing Law ang mga sangkot, habang ang mga nasugatang kadete ay bibigyan ng buong medical at psychological support. Nag-utos din siya ng masusing imbestigasyon at rebyu sa training practices, hudyat ng paglayo sa mga mapanakit na pamamaraan.

“We are shifting from ‘punishment-based’ to ‘performance-based’ training. We have to replace the tradition of violent hazing with ‘science-based conditioning.’ We want officers who are tough because they are skilled, not because they survived violence,” dagdag pa niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here