Home OPINION ‘HOUSE COMEDY ON JUSTIIS’

‘HOUSE COMEDY ON JUSTIIS’

121
0

HINDI lang nakahihiya, nakatatawa na ang ginagawang “mini trial” ng House committee on justice sa reklamong Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Kahit hindi abogado, magsasabing kinekenkoy ng mga miyembrong “kumita”, este, miyembro ng komite ang taumbayan sa kanilang mga diskarte para lang gipitin o usigin ang bise presidente.

Hindi naman siguro bobo ang mga tao para hindi mahalatang ginagawa ng tinatawag ngayon na “House comedy on justiis” ang lahat ng makakaya para maibilad sa kahihiyan ang pangalawang pangulo.

Pero kabaliktaran ang nangyayari, sila ang mga lumalabas na kahiya-hiya sa madla sa kanilang mga pinaggagawa. Binababoy lang sa kabuuan ang institusyon.

Dalawang bagay ang halatang sinisikap ng mga kinatawan na gawin sa “mini-trial”.

Una na nga ang IPINAHIYA si VP Sara. Hilong-talilong ang kanyang mga kritiko at kalaban sa pulitika kung paano gigibain ang napakataas niyang approval at trust ratings.

Sa March 2026 Pulse Asia survey, si VP Sara ay may 54% trust rating at 54% approval rating. Sa ibang survey pa nga, siya ay may 61% trust score.

Consistent si VP Sara bilang “pinakapinagkakatiwalaan” sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno. Ang iba, Nganga, lagapak!

Ang paghahanap sa katotohanan sa Impeachment mini-trial ay isang opsyon lang. Mas nakapokus ang “comedy on justiis” sa paglikha ng perception o paniniwala na ang bise-presidente ay isa ring tiwali at hindi mapagkakatiwalaan.

Wari bang ayos na sa kanila na pagmukhaing totoo ang kanilang diskarte. Tuloy-tuloy lang sila sa pag-asang makabuo ng opinyon sa publiko na si VP Inday Sara ay walang silbi at walang kwentang bise-presidente habang ang kanilang poon ang tunay na maaasahang lider.

Sa ganitong senaryo, makikita at mapatutunayan talaga na si VP Sara ay napakalaking banta sa mga “goons in barong and filipiniana” sa Kamara.

Nagbayad ba naman sila ng ‘star witness’ kuno sa pangalang Ramil Madriaga na isang convicted kidnapper na pulos kasinungalingan lang ang mga kwento.

Tapos, ang gusto ng mga komedyante sa “comedy on justiis” ay tanggapin siya bilang “bagong bayani’ para sa katotohanan. Anak ng tokwa!

Ang ikalawa ay upang mapagtakpan ang FLOOD CONTROL SCANDAL.

Malinaw na ang nasabing komedya ay isa lamang zarzuela o circus para i-distract ang taumbayan na humihingi ng katarungan sa pinakamalaking anomalya sa kasalukuyang administrasyon.

Imbes mapokus ang mga isyu sa malalang korapsyon sa gobyerno, gaya ng delivery ng mga maleta, si VP Sara ang kinakaladkad ng mga buwaya.

Hayun, ang utak ng “maleta scandal” ay papeteks-peteks lang kahit nasa gitna ng malalang krisis sa langis ang bansa.

Mantakin n’yo, gusto tayong paniwalain ng “maleta gang” na totoo ang mga kasinungalingan ng isang kriminal kaysa siyasatin ang pinakamalalang korapsyon na humantong pa nga sa sala ng Palasyo. Ay, pukaw na n’yo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here