Home OPINION US, WALANG NAGAWA SA CHINESE OIL TANKER SA STRAIT OF HORMUZ

US, WALANG NAGAWA SA CHINESE OIL TANKER SA STRAIT OF HORMUZ

111
0

HINDI umubra ang naval blockade o panghaharang ng isang United States Aircraft Carrier at 14 barkong pandigmang kasama nito sa paglabas mula sa Strait of Hormuz ng isang oil tanker ng China na kargado ng langis mula sa Iran.

Ang barkong Rich Starry na sanctioned o pinagbabawalang maglayag kahit saan at nais hulihin ng US ay nagwagayway ng bandilang China at nag-anunsyong pawang Chino ang mga crew nito ay dire-diretsong bumiyahe mula Iran, palabas ng Strait of Hormuz at dumaan sa pagitan ng mga barkong US.

Walang nangharang na barkong US sa halip ay tumunganga lang ang matatapang na US navy men.

Nauna rito, sinabi ni US President Donald Trump na lahat ng barkong manggagaling sa anomang pasilidad ng langis ng Iran, magkakarga ng langis at magbabayad ng toll na $1 kada bariles ay haharangin ng pwersang US.

Dahil dito, may 230 oil tanker ang nakulong sa loob ng Persian Gulf at hindi makalabas dahil sa banta ng US.

Ayon naman sa China, hindi nila hahayaang may sinomang makikialam sa kasunduan nila sa Iran sa langis at pagbibiyahe ng mga barko nito papasok at palabas ng Strait of Hormuz at naganap ito ilang gabi na ang nakararaan.

Lumalabas tuloy na may kinatatakutan ang US at mahilig lang itong manakot sa iba.

Sa ngayon, napag-alamang binalaan ng Saudi Arabia ang US na ang blockade ay maaaring hahantong din sa pagsasara ng Bab al-Mandeb sa Yemen at ganap nang walang lalabas na langis ng Saudi Arabia, Kuwait, Iraq, Qatar, United Arab Emirates, Bahrain at Oman na ikababagsak na lahat ng nasabing bansa, kasama ang mismo ang US.

Hindi naman sumama ang Australia, Great Britain, European Union at iba pa sa ginagawa ng US.

Paano naman kaya kung may barkong may kargang langis galing sa Iran at patungo sa Pilipinas, haharangin naman kaya ng US?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here