Home NATIONWIDE Solon nanawagan, pauwiin agad si Co

Solon nanawagan, pauwiin agad si Co

91
0

MANILA, Philippines – Pagkakataon na ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na makapagpaliwanag ukol sa naging alegasyon at naging papel nito sa naganap na anomalya sa flood control projects.

Ito ang sinabi ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa ibinalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naaresto sa Czech Republic si Zaldy Co.

“This is a welcome development. Pagkakataon na rin ito ni Co na magpaliwanag at sagutin ang mga alegasyon tungkol sa 2025 budget at maanomalyang flood control projects,” ani Diokno.

Binigyang diin pa ng mambabatas na dahil sa pinagdaanan ng bansa sa mga proyekto ng flood control ay hin di aniya makakalimot ang mga Pilipino.

“As the country continues to deal with the consequences of these projects, one thing is clear: hindi nakakalimot ang taumbayan. May this serve as a reminder that the rule of law must apply to all, including those in power and influence.”

Sa panig naman ni ML Partylist Rep. Leila De Lima ay agad itong nanawagan sa pamahalaan na huwag ng magpatumpik-tumpik pa at agad isaayos ang deportasyon ni Co.

“With the arrest of Zaldy Co, the Philippine government should waste no time in fast-tracking Zaldy Co’s deportation. Dapat harapin na nya ang mga kaso laban sa kanya, panumpaan nya sa tamang forum yung mga alegasyon nya, at isiwalat sa mga imbestigasyon ang lahat-lahat ng mga nalalaman nya maging mga ebidensyang meron siya ukol sa maanomalyang flood control projects,” ayon kay De Lima.

Iginiit pa ng kongresista na dapat ding halukayin na ang mga alegasyon laban kay Co sa isyu ng flood control katulad aniya ng isinasagawa ngayon sa impeachment.

“Pagsabay-sabayin natin ang imbestigasyon sa mga alegasyon na kinasasangkutan nya. Dahil tulad sa impeachment, hindi dapat itengga ang paghahanap ng katotohanan hanggang “Managot Lahat Ng Kurakot,” sinabi pa ni De Lima. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here