Home NATIONWIDE Higit P3.2B payout naipamahagi na sa PUV drivers

Higit P3.2B payout naipamahagi na sa PUV drivers

91
0

MANILA, Philippines – Mahigit P3.2 bilyong payout benefits na ang naipamahagi sa public utility drivers sa buong Pilipinas bilang hakbang para mapahupa ang epekto sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa gulo sa Middle East.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development nitong Huwebes, Abril 16, nasa kabuuang P1,598,390,000 payouts na ang naipamahagi sa 319,678 indibidwal hanggang nitong Miyerkules.

Mula Marso 17 hanggang 30, ang payout ay isinagawa sa mga tricycle driver, TNVS drivers, PUJ drivers, delivery services drivers, at MC taxi drivers.

Isinagawa naman ang special distribution para sa unclaimed payouts mula pa noong Abril 8.

Samantala, P1,612,885,000 ng payouts ang naipamahagi sa 322,577 benepisyaryo sa mga regional na opisina.

Tanging ang mga tricycle driver pa lamang ang kasalukuyang nakakatanggap ng benepisyo.

Sa kabuuan, naipamahagi na ng DSWD ang P3,211,275,000 payouts sa buong bansa.

Sinabi ni DSWD Crisis Intervention Program Director III Edwin Morata na ang listahan ng benepisyaryo ay hindi galing sa ahensya ngunit kinuha mula sa mga lokal na pamahalaan, TODAs, TNVS, at iba pang partner organizations.

“Kung saan nagkakamali, maaaring the encoding pa lang… Basically, when they submitted the list to LTFRB, ang alam po namin wala na po editing capacity ang LTFRB. Kasi kung ano po ang sinubmit sa kanila, iyun lang po ang i-entertain nila because the duplication process, what we call cross-matching, is being done by DSWD,” ani Morata.

“Kami rin po ay wala rin po kaming editing capacity, so we will run the list based on what is forwarded to us,” dagdag pa ni Morata.

“Hindi yata na-validate ng mga claimants ‘yung listahan na napadala or naisulat doon, kasi na-experience namin na karamihan sometimes handwritten. Talagang pen and paper ang sinubmit na listahan sa amin.”

Sinabi rin nila na wala pang “clean master list” ngunit sinabi na pinagsisikapan nilang pagbutihin ang database.

Isinasagawa rin ang mga hakbang upang mabawasan ang mga isyung ito kabilang ang on-site name corrections at opisyal na paliwanag para sa denied claimants. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here