Pasabog ang inaabangang finale week ng primetime action series na Totoy Bato matapos ang halos isang taong pamamayagpag nito sa TodoMax Primetime Singko ng TV5.
Sa huling linggo nito, matutunghayan ang pinakamainit na laban hanggang sa pagtatapos ng serye sa Abril 24.
Ang Totoy Bato ay pinagbibidahan ni Kiko Estrada at ito ang seryeng nagbigay ng bagong mukha sa iconic na karakter na nilikha ni Carlo J. Caparas, na unang binigyang buhay ni Fernando Poe. Jr.
Maaasahan ang mas matitinding rebelasyon sa mundo ng Pook Paraiso matapos ang pagkamatay ni Don Silvio Castillo (Mon Confiado).
Dito na rin tuluyang aangat sa kapangyarihan si Dwayne Perez (Diego Loyzaga), na mas lalo pang magpapalawak ng kanyang kontrol sa pamilya Castillo.
Habang tumitindi ang tensyon, iisa ang tanong ng manonood: sino ang mananaig sa huling salpukan nina Totoy at Dwayne?
Kasama nina Kiko at Diego sa powerhouse cast ng Totoy Bato sina Eula Valdes bilang Ruby Perez, Claudine Barretto bilang Diamond Labrador, Cindy Miranda bilang Amber Castillo, Mon Confiado bilang Don Silvio Castillo, Mark Anthony Fernandez bilang Stanley Rocco, Gold Aceron bilang Onyx, Billy Villeta bilang Dustin, Andrew Muhlach bilang Jett, Christine Bermas bilang Amethyst at Sapphire, at si Angelica Hart bilang Pierra.
“The success of Totoy Bato is a testament to the incredible passion of the production team and the stellar performances of the entire cast. We thank everyone who poured their hearts out to bring this story to life. It was their dedication that turned every episode into a memorable journey that we all shared with the audience,” pahayag ng Presidente ng TV5 na si Guido R. Zaballero.
Abangan ang mas pinatinding pakikipag-matigasan ng lakas para sa katarungan ni Totoy Bato sa natitirang huling linggo nito. Mapapanood gabi-gabi, 8:00 PM, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Frontline Pilipinas sa TodoMax Primetime Singko ng TV5, with simulcast sa ONE PH. JP Ignacio